Saturday, December 29, 2012

Perks of Being A Wallflower Movie Review

                Another great book written by the great author, Stephen Chbosky, "PERKS OF BEING A WALLFLOWER."

                I just watched this movie yesterday since I first read the book last last lifetime. It's just I had a hard time finding a great copy for this amazing movie. I want to tell you some points that I note regarding on how I understand it in books and how it is shown in the movie.

            1. Ezra Miller, who plays the role of Patrick, Sam's stepbrother is gayer in the movie than in the book. Actually, the same as Charlie, who is the protagonist in this movie. In the book, Patrick is the one who handles his relationship with Brad, as a man. Then in the movie, their actions, their words, is just not right in the movie. 

            2. Mary Elizabeth, an important role of this book. She's the one that leads Charlie in his true feelings. I find Mary hotter in the book than in the movie. Seriously, Alice is hotter than Mary in the movie which is not true. Well, it's okay. She did a great job in his role as well as her Rocky Horror Show.

            3. EMMA WATSON IS SUPER HOT.

            Well, all in all. This movie got my two thumbs up, not because it starred Emma Watson, partly it is, but it has an amazing plot. It just shows how everyone has their own respective place in this world. A place where you can be comfortable with, a place where you belong. A place where you can find the people that you'll remember and cherish for the rest of your life. And another thing, it is not bad to be a wallflower. Actually, they're smarter than the attention-seeker people. But as a wallflower, you have to make a step forward, so that you can progress in any aspect in your life. You can't expect to people to like you when you always take a step forward and take two steps backward. You just have to be yourself and let life work itself. Life has crazy ways of working. 




Friday, November 16, 2012

AMALAYER

                 AMALAYER? AMALAYER? Kahit saan ka tumingin na social network ay makikita mo iyang mga katagang iyan. Maraming gumagaya kahit saan ka pumunta pero ano na nga kaya ang nararamdaman ng babaing nagsabi nito? 

               Isang nag-ngangalang Paula Jamie Salvosa ang nagpasikat ng mga katagang iyan. Hindi naman niya intensiyon na sumikat yung mga binitawan niyang salita pero tayong mga Pilipino kasi eh, lahat napapansin. Lahat ng mga mali na hindi dapat pansinin, pinapansin. Pero saludo din ako sa ating mga Pilipino, ang lalawak ng imagination. Balik na ako sa kwento, binitawan niya ang mga salitang iyan sa isang Lady Guard sa LRT Station. Sinita lang naman daw siya ng Guard kasi mali ang dinaanan niya na dapat ay dadaan sa metal detector. At doon na nagsimula ang lahat. May isang mabuti tayong kababayan na imbis na magsumbong sa security personnel ng LRT station ay nakuha pa itong videohan, (May bago na naman tayong Youtube sensation). Hay, mga Pilipino.

               Pero isipin natin, ano na kaya ang nararamdaman niya. Syempre, hindi rin naman tama na pagalitan niya yung Guard kasi ginagawa lang nito yung trabaho. Syempre, hindi natin alam yung buong kwento kaya huwag muna manghusga. Pero naman sana, hindi na gumawa pa ng ganoong eksena si AMALAYER girl. Naka-uniform pa man din siya, paano na yung unibersidad niya? Kalma lang kasi dapat kaibigan. Marami tayong makikilalang tao sa mundo, yung iba gusto natin, yung iba ayaw. Pero parte na ng buhay yan, kapag ayaw mo, layuan mo. Move on. Don't waste your time thinking about how to humiliate them. Lesson learned. Huwag mag-uniform kapag may gagawing masama at maging alerto sa mga nangyayari sa paligid, videohan agad at i-upload sa social networks para may bagong pag-piyestahan tayong mga Pilipino.

       By the way, siguro pabor na si AMALAYER girl sa CyberCrime Law. 

Friday, September 14, 2012

Shit. Sinungaling.

           Ganoon ba kadaling magsinungaling? Parang lahat ng tao naman kase sa mundong ibabaw, nagsisinungaling. Nagsisinungaling para sa iba. Nagsisinungaling sa iba. Nagsisinungaling sa sarili. Tama, nagsisinungaling sa sarili. Mahirap bang intindihin? Shit. Ang tanga mo lang na sa sobrang sinungaling mo, pati sarili mo, pinupuno mo na din ng mga bagay na hindi totoo. O baka naman pinipiit mo lang huwag tanggapin yung katotohanan kasi alam mong mali yung ginawa mo. Alam mong may nasaktan ka. Kaya sinasabi mo sa sarili mo, pati na rin sa iba na wala kang kasalanan. Nakakainis lang na madami kang naaapektuhan. Nakakainis na yung mga walang kinalaman na tao, dinadamay mo. Lahat sila, nagiging masama sa tingin ng ibang tao dahil sa mga pinagsasabi mo na hindi totoo. Mga pinagsasabi mo na ikaw lang ang may alam. Ikaw lang ang may alam sa sarili mong katarantaduhan. Seriously, normal ka bang tao? 
                    Hindi naman maiiwasang magsinungaling eh. Huwag lang masyado, pati tuloy sa itsura mo, wala nang naniniwala. Dadating ang araw kapag nasa panganib ka at humihingi ka ng tulong, walang pupunta sa'yo. Kasi lahat na ng tao hindi naniniwala at wala ng tiwaa sa'yo.

Monday, August 20, 2012

Mga Galanteng Kaibigan

            August 19, 2012. Maraming salamat kay PNoy dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ito matutuloy.
        Punung-puno ng tawanan, asaran, at kwentuhan ang lakad naming magkakaibigan ngayong araw na 'to. Masaya kasi kahit sampu lang kami, namely, Yhncesz, Cha, Wilma, Joyce, Marijo, Eder, Migs, Joel at Deff,  nagenjoy kami ng sobra. Hanep!

           Maraming salamat kay Yhncesz, na nanlibre sa Mang Inasal. Na kung hindi mo pa pipilitin, ay hindi pa papayag. Na kailangan pa talagang kunsensyahin para lang ilibre ka. Eh, nagbirthday naman siya. Hindi man lang naisip yon. Pero salamat ng marami. Isa kang tunay na kaibigan. Pagkatapos kumain ng apat na rice sa Mang Inasal, kahit na nakalima si Marijo, ay naisipang manood ng movie. Gustong panoodin ng mga babae, The Reunion. Gusto ng mga lalaki, The Expendables. Mas madami ang lalaki kaya pinanood namin sina Stallone. Pagkatapos panoodin ang ka-astigan ni Chuck Norris at ang isang anggulo palagi ng mukha ni Maggie, ay hindi na namin alam kung saan pupunta.

            Naglakad ng naglakad hanggang mapunta na sa Starbucks. Heto na, Starbucks. "Paano ba bumili doon?" "Hindi ko alam kung paano umorder eh". Naghintay muna kami bago kami umorder kasi baka may manlibre. Unfortunately, wala. Eh di, bumili kami. Ayon, nagsimula na ang walang humpay na kwentuhan. Mga nangyari nung highschool. Mga naganap na hindi na nagsawang pakinggan kahit na paulit-ulit pinaguusapan. Mga teacher, mga kaklase, mga kalokohan. Masaya din na hanggang ngayon, naaalala pa din namin yung pinaggagawa namin nung high school. Kaso, yung puro kalokohan na lamang. Nung napansin namin na naglolokhan na lang kami, umalis na kami. Sumakay sa bus at hanggang sa bus ay kantyawan pa din. Masayang masaya. Lofty. Fulfilled.
                 Mas masaya sana kung nakasama yung iba. Pero madami pa namang time. Madami pang oras. Madami pang pagkakataon. Sana mangyari ulit. Mangyayari to ulit.

Monday, July 30, 2012

MVP


               Yesterday wass a great day. A win for Rain or Shine and The Leo's Awards. Rookie of the Year, Mythical Team, Defensive Players. But what we all waited for was the announcement of this season's MVP. Nominees includes James Yap (BMEG), Arwind Santos (Petron), Gary David (Powerade) and Mark Caguioa (Brgy. Ginebra). It was thrilling to wait for this huge announcement. Everyone hold on their seats as they waited to hear the results.
                As many of the fans expected, including me, PARTLY, the guy-with-many-different-hairstyles-every-season won. Mark Caguioa is this season's MVP. Many of his fans celebrate, obviously. They want this for their idol for the very long time.
               But, for me, I have to go with David. David should won the MVP award. We all knew that David did an excellent job this season. His points is always on top. Yes, Mark also has his points top of the board. He's always aggressive. Jump shots, 3-point plays, under the basket point. He just improved more this time. He never disappoint his team. He's skillful, quick and professional.  He owned it.
               No hard feelings for Caguioa's fans, but that's what I have thought. But I'm not saying that Caguioa doesn't deserve this award. He has athleticism in every game he played. He's wise and really work his way inside the court. Surely, I'm a fan of his. I admire his dedication every game. When he puts everything when he play. He can do anything, he can. But I think that David did better in this season. 


Just saying. Don't hate me. :)

Tuesday, July 24, 2012

Peculiar, strange feeling.

         Yung pakiramdam mo na sobrang guilty ka dun sa ginawa mo. Yung sinasabi mo ngayon na sana hindi mo na lang iyon ginawa. Natatakot ka sa pwedeng mangyari. Natatakot ka sa mga pwedeng kahinatnan ng ginawa mo. Natatakot ka na baka mas malaki pa ang ganti ng buhay sayo. Mahirap. Mahirap ialis sa isipan. Mahirap kalimutan. Mahirap alisin ang takot na nararamdaman. Siguro, kung ano na lang ang mangyari, panindigan na lang. Gumawa ka ng desisyon dati kaya harapin mo ang bawat pinatunguhan ng ginawa mo. Kung wala mang mangyari, baguhin na lang ang sarili. Baguhin ng naaayon sa tama. Baguhin nang wala nang nadadamay na iba. Baguhin ang lahat ng dahilan kung bakit mo nararamdaman and nararamdaman mo ngayon.

Saturday, July 21, 2012

Saludo ako sa'yo!

          May mga taong kayang tumindig sa sarili nilang mga paa. Mga tao na kayang itindig ang sarili nila kahit na may pasan pang iba. Mga taong kahit walang aalalay ay kayang tumindig ng diretso. Kayang tumindig ng tuwid. Kaya saludo ako sa mga taong ganiyan. Wala pa man sa edad na dapat ay bumubuhay at nagaasikaso na sa kanyang pamilya ay nagagawa na ito. Isinasantabi ang mga bagay na kailangan o gusto nila para sa ikabubuti at ikaliligaya ng kanilang pamilya. Mahirap mamuhay nang ikaw ang inaasahan. Na ikaw iyong pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Na ikaw ang responsable sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay niyo. Na ikaw ang sisisihin kapag may nangyaring masama. Na ikaw ang gumagawa ng lahat.
          Hindi din maiiwasan na magsakripisyo para sa ginagampanang mabigat na tungkulin. Kulang sa tulog. Kulang sa oras. Kulang sa pahinga. Kulang sa mga bagay na dapat ay nagagawa nila. Sa murang edad ay natuto na sila kung ano ang mga bagay na uunahin nila, mga prayoridad sa buhay. 

     Kaya ang masasabi ko lang, saludo ako sa iyo, Kaibigan!

Followers