Saturday, July 21, 2012

Saludo ako sa'yo!

          May mga taong kayang tumindig sa sarili nilang mga paa. Mga tao na kayang itindig ang sarili nila kahit na may pasan pang iba. Mga taong kahit walang aalalay ay kayang tumindig ng diretso. Kayang tumindig ng tuwid. Kaya saludo ako sa mga taong ganiyan. Wala pa man sa edad na dapat ay bumubuhay at nagaasikaso na sa kanyang pamilya ay nagagawa na ito. Isinasantabi ang mga bagay na kailangan o gusto nila para sa ikabubuti at ikaliligaya ng kanilang pamilya. Mahirap mamuhay nang ikaw ang inaasahan. Na ikaw iyong pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Na ikaw ang responsable sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay niyo. Na ikaw ang sisisihin kapag may nangyaring masama. Na ikaw ang gumagawa ng lahat.
          Hindi din maiiwasan na magsakripisyo para sa ginagampanang mabigat na tungkulin. Kulang sa tulog. Kulang sa oras. Kulang sa pahinga. Kulang sa mga bagay na dapat ay nagagawa nila. Sa murang edad ay natuto na sila kung ano ang mga bagay na uunahin nila, mga prayoridad sa buhay. 

     Kaya ang masasabi ko lang, saludo ako sa iyo, Kaibigan!

No comments:

Post a Comment

Followers