Malakas lang ba ang ulan sa mga panahong ito kaya bumaha o di kaya naman ay sumabay na rin ang mga luha ng mga taong sensitive?
Hmm. Sensitive. Magandang bagay o hindi? Maaaring oo, maaaring hindi. Pero sa palagay ko, isang malaking OO. Sensitive ka dahil saan? Madali kang masaktan kahit na walang katuturan naman yang pinaghuhugutan mo. Madali ka lang gumawa ng konklusyon sa sarili mo. Ginagawa mo yan kasi pakiramdam mo, wala ka nang nagawang tama. Pakiramdam mo, buong mundo galit sayo. Pakiramdam mo, lahat ng tao, tingin sayo ay hindi kawalan. Pinapalaki mo lahat ng maliliit ng problema. Pinapatagal mo yung mga problema. Nagtatanim ka ng sama ng loob kaya kapag napuno ka, ano na? Bigla ka na lang sasabog.
Payo lang. Ang problema, hindi yan pinapatagal. Mas lalong hindi yan pinapalaki. May mga taong ayaw magkaroon ng malaking problema. Pero ikaw na sensitive, maliit na problema, mas gusto mong palakihin. Anong problema mo? Isipin mo yang mabuti. Hindi nagiging mabuti sa isang tao ang pagiging sensitive. Mas maganda kung balansihin mo muna yung sitwasyon bago ka gumawa ng konklusyon. Paano na lang kung galit ka na pala sa isang tao, tapos hindi niya alam na may nagawa pala siya kahit na yung nagawa niya ang parang kagat lang ng langgam at maaaring tapusin sa pamamagitan ng simpleng pagkamot. Mas masaya ang buhay ng walang problema, walang kaaway at walang sama ng loob kung kanino man. Live life to the fullest, as happy as possible, as meaningful as possible, as worthwhile as possible.
Nadala lang ng emosyon. Pasensiya mga kaibigan.
No comments:
Post a Comment