AMALAYER? AMALAYER? Kahit saan ka tumingin na social network ay makikita mo iyang mga katagang iyan. Maraming gumagaya kahit saan ka pumunta pero ano na nga kaya ang nararamdaman ng babaing nagsabi nito?
Isang nag-ngangalang Paula Jamie Salvosa ang nagpasikat ng mga katagang iyan. Hindi naman niya intensiyon na sumikat yung mga binitawan niyang salita pero tayong mga Pilipino kasi eh, lahat napapansin. Lahat ng mga mali na hindi dapat pansinin, pinapansin. Pero saludo din ako sa ating mga Pilipino, ang lalawak ng imagination. Balik na ako sa kwento, binitawan niya ang mga salitang iyan sa isang Lady Guard sa LRT Station. Sinita lang naman daw siya ng Guard kasi mali ang dinaanan niya na dapat ay dadaan sa metal detector. At doon na nagsimula ang lahat. May isang mabuti tayong kababayan na imbis na magsumbong sa security personnel ng LRT station ay nakuha pa itong videohan, (May bago na naman tayong Youtube sensation). Hay, mga Pilipino.
Pero isipin natin, ano na kaya ang nararamdaman niya. Syempre, hindi rin naman tama na pagalitan niya yung Guard kasi ginagawa lang nito yung trabaho. Syempre, hindi natin alam yung buong kwento kaya huwag muna manghusga. Pero naman sana, hindi na gumawa pa ng ganoong eksena si AMALAYER girl. Naka-uniform pa man din siya, paano na yung unibersidad niya? Kalma lang kasi dapat kaibigan. Marami tayong makikilalang tao sa mundo, yung iba gusto natin, yung iba ayaw. Pero parte na ng buhay yan, kapag ayaw mo, layuan mo. Move on. Don't waste your time thinking about how to humiliate them. Lesson learned. Huwag mag-uniform kapag may gagawing masama at maging alerto sa mga nangyayari sa paligid, videohan agad at i-upload sa social networks para may bagong pag-piyestahan tayong mga Pilipino.
By the way, siguro pabor na si AMALAYER girl sa CyberCrime Law.
No comments:
Post a Comment