Monday, August 20, 2012

Mga Galanteng Kaibigan

            August 19, 2012. Maraming salamat kay PNoy dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi ito matutuloy.
        Punung-puno ng tawanan, asaran, at kwentuhan ang lakad naming magkakaibigan ngayong araw na 'to. Masaya kasi kahit sampu lang kami, namely, Yhncesz, Cha, Wilma, Joyce, Marijo, Eder, Migs, Joel at Deff,  nagenjoy kami ng sobra. Hanep!

           Maraming salamat kay Yhncesz, na nanlibre sa Mang Inasal. Na kung hindi mo pa pipilitin, ay hindi pa papayag. Na kailangan pa talagang kunsensyahin para lang ilibre ka. Eh, nagbirthday naman siya. Hindi man lang naisip yon. Pero salamat ng marami. Isa kang tunay na kaibigan. Pagkatapos kumain ng apat na rice sa Mang Inasal, kahit na nakalima si Marijo, ay naisipang manood ng movie. Gustong panoodin ng mga babae, The Reunion. Gusto ng mga lalaki, The Expendables. Mas madami ang lalaki kaya pinanood namin sina Stallone. Pagkatapos panoodin ang ka-astigan ni Chuck Norris at ang isang anggulo palagi ng mukha ni Maggie, ay hindi na namin alam kung saan pupunta.

            Naglakad ng naglakad hanggang mapunta na sa Starbucks. Heto na, Starbucks. "Paano ba bumili doon?" "Hindi ko alam kung paano umorder eh". Naghintay muna kami bago kami umorder kasi baka may manlibre. Unfortunately, wala. Eh di, bumili kami. Ayon, nagsimula na ang walang humpay na kwentuhan. Mga nangyari nung highschool. Mga naganap na hindi na nagsawang pakinggan kahit na paulit-ulit pinaguusapan. Mga teacher, mga kaklase, mga kalokohan. Masaya din na hanggang ngayon, naaalala pa din namin yung pinaggagawa namin nung high school. Kaso, yung puro kalokohan na lamang. Nung napansin namin na naglolokhan na lang kami, umalis na kami. Sumakay sa bus at hanggang sa bus ay kantyawan pa din. Masayang masaya. Lofty. Fulfilled.
                 Mas masaya sana kung nakasama yung iba. Pero madami pa namang time. Madami pang oras. Madami pang pagkakataon. Sana mangyari ulit. Mangyayari to ulit.

No comments:

Post a Comment

Followers