Monday, July 30, 2012

MVP


               Yesterday wass a great day. A win for Rain or Shine and The Leo's Awards. Rookie of the Year, Mythical Team, Defensive Players. But what we all waited for was the announcement of this season's MVP. Nominees includes James Yap (BMEG), Arwind Santos (Petron), Gary David (Powerade) and Mark Caguioa (Brgy. Ginebra). It was thrilling to wait for this huge announcement. Everyone hold on their seats as they waited to hear the results.
                As many of the fans expected, including me, PARTLY, the guy-with-many-different-hairstyles-every-season won. Mark Caguioa is this season's MVP. Many of his fans celebrate, obviously. They want this for their idol for the very long time.
               But, for me, I have to go with David. David should won the MVP award. We all knew that David did an excellent job this season. His points is always on top. Yes, Mark also has his points top of the board. He's always aggressive. Jump shots, 3-point plays, under the basket point. He just improved more this time. He never disappoint his team. He's skillful, quick and professional.  He owned it.
               No hard feelings for Caguioa's fans, but that's what I have thought. But I'm not saying that Caguioa doesn't deserve this award. He has athleticism in every game he played. He's wise and really work his way inside the court. Surely, I'm a fan of his. I admire his dedication every game. When he puts everything when he play. He can do anything, he can. But I think that David did better in this season. 


Just saying. Don't hate me. :)

Tuesday, July 24, 2012

Peculiar, strange feeling.

         Yung pakiramdam mo na sobrang guilty ka dun sa ginawa mo. Yung sinasabi mo ngayon na sana hindi mo na lang iyon ginawa. Natatakot ka sa pwedeng mangyari. Natatakot ka sa mga pwedeng kahinatnan ng ginawa mo. Natatakot ka na baka mas malaki pa ang ganti ng buhay sayo. Mahirap. Mahirap ialis sa isipan. Mahirap kalimutan. Mahirap alisin ang takot na nararamdaman. Siguro, kung ano na lang ang mangyari, panindigan na lang. Gumawa ka ng desisyon dati kaya harapin mo ang bawat pinatunguhan ng ginawa mo. Kung wala mang mangyari, baguhin na lang ang sarili. Baguhin ng naaayon sa tama. Baguhin nang wala nang nadadamay na iba. Baguhin ang lahat ng dahilan kung bakit mo nararamdaman and nararamdaman mo ngayon.

Saturday, July 21, 2012

Saludo ako sa'yo!

          May mga taong kayang tumindig sa sarili nilang mga paa. Mga tao na kayang itindig ang sarili nila kahit na may pasan pang iba. Mga taong kahit walang aalalay ay kayang tumindig ng diretso. Kayang tumindig ng tuwid. Kaya saludo ako sa mga taong ganiyan. Wala pa man sa edad na dapat ay bumubuhay at nagaasikaso na sa kanyang pamilya ay nagagawa na ito. Isinasantabi ang mga bagay na kailangan o gusto nila para sa ikabubuti at ikaliligaya ng kanilang pamilya. Mahirap mamuhay nang ikaw ang inaasahan. Na ikaw iyong pinagkatiwalaan sa lahat ng bagay. Na ikaw ang responsable sa lahat ng pwedeng mangyari sa buhay niyo. Na ikaw ang sisisihin kapag may nangyaring masama. Na ikaw ang gumagawa ng lahat.
          Hindi din maiiwasan na magsakripisyo para sa ginagampanang mabigat na tungkulin. Kulang sa tulog. Kulang sa oras. Kulang sa pahinga. Kulang sa mga bagay na dapat ay nagagawa nila. Sa murang edad ay natuto na sila kung ano ang mga bagay na uunahin nila, mga prayoridad sa buhay. 

     Kaya ang masasabi ko lang, saludo ako sa iyo, Kaibigan!

Saturday, July 07, 2012

Wow! Sensitive.

             Malakas lang ba ang ulan sa mga panahong ito kaya bumaha o di kaya naman ay sumabay na rin ang mga luha ng mga taong sensitive?
 Hmm. Sensitive. Magandang bagay o hindi? Maaaring oo, maaaring hindi. Pero sa palagay ko, isang malaking OO. Sensitive ka dahil saan? Madali kang masaktan kahit na walang katuturan naman yang pinaghuhugutan mo. Madali ka lang gumawa ng konklusyon sa sarili mo. Ginagawa mo yan kasi pakiramdam mo, wala ka nang nagawang tama. Pakiramdam mo, buong mundo galit sayo. Pakiramdam mo, lahat ng tao, tingin sayo ay hindi kawalan. Pinapalaki mo lahat ng maliliit ng problema. Pinapatagal mo yung mga problema. Nagtatanim ka ng sama ng loob kaya kapag napuno ka, ano na? Bigla ka na lang sasabog. 
                 Payo lang. Ang problema, hindi yan pinapatagal. Mas lalong hindi yan pinapalaki. May mga taong ayaw magkaroon ng malaking problema. Pero ikaw na sensitive, maliit na problema, mas gusto mong palakihin. Anong problema mo? Isipin mo yang mabuti. Hindi nagiging mabuti sa isang tao ang pagiging sensitive. Mas maganda kung balansihin mo muna yung sitwasyon bago ka gumawa ng konklusyon. Paano na lang kung galit ka na pala sa isang tao, tapos hindi niya alam na may nagawa pala siya kahit na yung nagawa niya ang parang kagat lang ng langgam at maaaring tapusin sa pamamagitan ng simpleng pagkamot. Mas masaya ang buhay ng walang problema, walang kaaway at walang sama ng loob kung kanino man. Live life to the fullest, as happy as possible, as meaningful as possible, as worthwhile as possible.

                Nadala lang ng emosyon. Pasensiya mga kaibigan. 

Followers