Friday, April 27, 2012

Summer na naman.


          Summer na naman. Madami na namang tao ang mabububuro sa kani-kanilang bahay partikular na ang mga estudyante. Madaming taong nagrereklamo sa init ng panahon, kasabay nito ang pag-init ng kani-kanilang mga ulo dahil sa walang laman ang bulsa tuwing sasapit ang summer. Madaming gusto nang matapos ito dahil hindi din naman makaalis ng bahay pero mayroon din namang gusto itong magtagal sa kadahilanang hindi pa nila nalilibot ang buong bansa. May sari-sariling gawain ang bawat tao ngayong summer na naman. Ikaw na lang ang bahala kung paano mo susulitin ang mga araw na ito lalo na sa mga estudyante. Estudyante. Marami sa kanila ang gustong mag-outing kasama ang mga kaibigan nila ngunit dahil nga walang pera, pahirapan pa. Plano nang plano, hanggang plano lang. Walang nangyayari. Sa tagal ng pagpaplano, pasukan na ulit bago nagkasundo at hindi na matutuloy dahil magsisipasok na ulit ang lahat. Hay summer.
         Mayroon akong napanood na video sa Youtube. Nakakatuwang isipin na sa murang edad ng mga batang ito, may nagagawa silang video na katulad nito. Dito ipinapakita ang mga hinaing kapag summer, kapag mainit, kapag wala kang magawa sa sobrang init ng panahon. 

            Kaya huwag na mainit ang ulo. Huwag sabayan si Haring Araw sa paginit. Aba, talo kayo diyan. I-enjoy na lang ang summer dahil minsan lang yan dumating. Minsan lang magpaabot ng init ng pagmamahal niya si Haring Araw kaya bayaan na natin. Kapag nagtampo yan, sige. Wala na tayong masusuot na damit at wala na ding daing at danggit.
       

No comments:

Post a Comment

Followers