Facebook.
Uso na talaga ang mga social networking sa panahon ngayon. Madami na ang nahuhumaling sa Facebook, Twitter o di kaya nama'y sa Tumblr. Parang hindi ka "in" kung wala kang account sa mga social sites na ganito. Subalit ang nangunguna par rin sa lahat ng ito ay ang Facebook. Oo nga, at nagagamit ang Facebook bilang komunikasyon sa mga taong matagal mo ng hindi nakikita, pero hindi dapat dito umiikot ang buhay natin. Mas alam pa ng Facebook ang buhay natin kaysa sa mga magulang natin eh. Araw araw, paggising sa umaga, hindi ka pa nag-aalmusal o naghihilamos ay bubuksan mo na ang desktop mo at titingnan kung may mga notifications kang bago. Kung may makita ka naman, halos isa lang sa bawat sampu mong notifications ang hinihintay mo. Yung iba, puro requests na lang sa games na ni minsan hindi mo naman nilaro. Titingnan kung may nag-invite sa'yo as friends. Kapag mayroon, todo accept agad kahit hindi kakilala, basta ika madami siyang friends, at kung wala naman, better luck next time. Palitan mo na daw ang DP (display picture) mo. Isa pa sa mga tinitingnan ng mga taong gumagamit ng Facebook ay ang status ng mga kaibigan nila (kilala daw, kahit hindi naman). Makikita mo, simula paghikab hanggang pag-utot, nilalagay nila as Facebook status nila. Pakialam ba ng ibang tao diyan sa mga pinaggagawa mo. Kailangan lahat ng ginagawa mo, alam nila. Mag-artista ka na lang kung gusto mong public figure ka. Yung iba naman, makapag-parinig sa mga kaaway nila status nila. Tapos diyan, diyan nagsisimula yung mga away. Magkakampihan ang magkakampi, bakit hindi na lang kayo manood ng PBA, doon kayo magkampihan. Nationalistic pa ang dating niyo.
Malaki na nga ang naging impluwensiya ng Facebook dito sa buhay natin. Halos wala na tayong panahon para sa mas importanteng bagay. Mas matagal pa ang oras na pagbababad sa Facebook habang tinitingnan ang mga pictures ng mga sari-sariling crush pero yung assignment na ipapasa na bukas, hindi pa din magawa. Hay, Facebook. Malupit ka talaga. Ikaw na!
No comments:
Post a Comment